A testimony from Hannah Espisua, a Young People of GBBC Tandang Sora.
Syempre ngayon bago pa lang ako sa church bagong save palang ako. That time na dipa ako save yung araw araw na nangyayari sakin is puro stress ganon sa school, family problems,tapos anxiety attacks, breakdowns,tapos mga bagay na kinatatakutan ko hanggang sa minsan nag sasabay sabay sila hindi ko na alam yung gagawin na para bang yung buhay ko inaantay ko na lang mag gabi tapos matutulog gigising ganon, nilalayo ko yung sarili ko sa tao kasi hindi ko na alam gagawin ko pero ng na save ako tapos nag seserve na ako kay God syempre di parin naman nawawala yung magiging sad ka or matatakot ka pero kasi ngayon pag nararamdaman ko yun nag prepray ako tapos magiging mas magaan yung loob ko na diko nafefeel na mag isa ganun tapos dahil din sa mga ng yari mas napalapit ako kay God at mas natututo ako na magtiwala pa lalo sa kanya.
2 Comments
A personal testimony from Regine Tumaob, a Young People of GBBC Tala, Caloocan.
Sa mga mananampalataya wag kayong mag sasawa na magdasal sa araw araw dahil para rin naman ito sa ating kaligtasan sa buhay ako ay naniniwala na ang pananampalataya ang siyang nag papakatatag sa ating buhay at kay Lord Jesus Christ lang tayo kumukuha ng lakas at tapang sa ating mga ginagawa sa araw araw ako ay ginamit ni Lord Jesus Christ na mag lingkod sa kaniya habang buhay at para ako ay maging inpirasyon ninyo upang kayo rin ay maglingkod sa Kaniya tinuruan niya rin akong baguhin ang aking ugali at aking mga ginagawa na hindi karapat dapat gawin binago niya ako dahil tinanggap ko siya ng buong puso at tinanggap ko rin siya bilang diyos na tagapagligtas kaya sigurado narin ako na sa langit ako mapupunta at doon ako ay mabibigyan niya ng walang hanggang buhay. |
ArchivesCategories |