ni Deane More Triste
Sa mundo, sa langit, at sa lupa Ikaw ang lumikha. Sa mga kasalanan namin, Ikaw ang sumalo dito sa lupa. Sadya ngang walang hihigit pa sa Iyong pagkadakila, kahit pa buhay ay Iyong inialay para sa kasalanang aming nagawa. Sadya nga Hesus, Ikaw ay may pusong dalisay. Hiningi Mo sa amin ay Iyong ibinigay: walang hanggang pag-ibig mo sa amin ay inialay, mga salita Mo sa araw-araw ang aming gabay. Ang mga talentong ibinigay Mo sa akin, asahan Mo na ito’y pag-iibayuhin: gagamitin sa aking mabuting gawain, tutulong upang salita Mo ay palaganapin. Sa puso namin Panginoon ikaw po ang maghari, mga salita Mo sa aming labi ang siyang mamutawi. Kabutihan ng puso, kabutihan ng loob at pag-uugali sa araw-araw Panginoon sa amin po ay laging ibahagi. Ang papuri at pasasalamat ay sa Iyo itaas dahil sa mga biyayang aming araw-araw na dinaranas Na sa Iyo nagmumula, walang-sawa at walang kupas. Mga salita Mo, Panginoon kailanman hindi magagasgas. Mga salita Mo ay aming diringgin, kahit saan ito ay dadalhin. Maging sa pagkain sa amin nakahain, sa Iyo ang aming unang dalangin. Sa buhay nga namin ay wala nang pangamba, kapag ikaw Hesus ang naisip at laging sinasamba. Ikaw, na aming Diyos at tagapagligtas sa tuwina ay nag-iisa lamang at palagi naming kasama. Sa bawat gabi na kami ay hihimlay, Ikaw ang sa amin ay gumagabay. Sa pagpikit, buhay namin sa Iyo iaalay, nagpapasalamat sa araw-araw na hininga ng bagong buhay.
0 Comments
by Jemaimah Alquizar
How dare I speak to who’s not seen? I have felt His greatness more than once, shall I still doubt Him up to this day, when I have not seen Him, not a glance? He knows the trials given, as much as it weighs on you. Have faith in God almighty above, for there is nothing He cannot do. The more we trust the sweeter He grows. He does everything, even the impossible. His love is the only evident of miracles the book recall Christ, the greatest we have ever seen. His love is so true and so unfailing. Believe, when the path is too dark to see, He knows the way we are meant to be. |
ArchivesCategories |